Ohio bus driver na naligtas ng Bibliya, inimbento lang pala ang kanyang kuwento!

  • 9 years ago
Ohio bus driver na naligtas ng Bibliya, inimbento lang pala ang kanyang kuwento!


Ohio bus driver na nagsabing naligtas ng bibliya ang kanyang buhay, mula sa mga teenagers na bumaril sa kanya, ay nagsinungaling, ayon sa pulis.

Hindi ba't bawal sa bibliya ang bearing false witness?

Noong Pebrero, ini-report namin ang kuwento ni Rickey Wagoner, isang Ohio bus driver na nagsabi sa pulis na ang bibliyang nakalagay sa kanyang bulsa ang nagligtas sa kanyang buhay.

Ayon kay Wagoner, inatake daw siya ng tatlong teenagers na naka-maskara, na sinaksak at binaril ang driver -- pero naharang ng bibliya sa kanyang bulsa ang mga bala.

Nai-report ng news media sa buong mundo ang kuwentong ito, na itinawag ang kuwento ni Wagoner na isang himala.

Ayon sa mga taga-CSI, ang sugat ni Wagoner mula sa kutsilyo ay 'hesitation wounds' at hindi defensive wounds...ibig sabihin ay sinaksak niya ang kanyang sarili.

Napatunayan din ng ballistic tests na ang mga bala ay maaring tumagos sa libro, pwera lang kung ito ay nakalagay sa ibabaw ng semento.

Nagsimulang mag-imbestiga ang mga pulis nang napansin nilang ang 300-pound na si Wagoner ay hindi man lang pinagpawisan, kahit na sinabi niyang nilabanan niya ang tatlong attackers.

Hindi pa siya nakakasuhan ng krimen, pero mawawalan siya ng trabaho. Noong Miyerkules ay humingi ng paumanhin ang kanyang boss sa publiko, para sa mga kasinungalingan ni Wagoner, at ang paggamit nito ng napakapangit na stereotypes.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended