Brooklyn driver, napugutan ng ulo sa isang high-speed police chase!

  • 9 years ago
Brooklyn driver, napugutan ng ulo sa isang police chase!

Bandang tanghali noong June 25. Ang 22-year-old na Brooklyn driver na si Leroy Samuel ay napugutan ng ulo, habang tinatakasan niya ang pulis, na bibigyan siya dapat ng traffic ticket sa New York.

Matapos mapahinto ng pulis ang kotse ni Samuel sa Hicks Street at Atlantic Avenue, mabilis siyang tumungo sa eastbound Brooklyn-Queens Expressway Atlantic Avenue off-ramp, kung saan nangyari ang kaindik-hindik na insidente.

Ayon sa mga awtoridad ay walang nangyaring police chase, at palakad na nilapitan ng isang officer ang kotse ni Samuel, bago ito tumakas.

Pero ayon sa mga saksi, ang kotse ni Samuel ay hinahabol ng mga police cruisers, nanagfa-flash ang ilaw at sirena.

Habang nagpapatakbo ng napakabilis, tumama ang kotse ni Samuel sa isang trailer, habang naghihintay na mag-GO ang ilaw sa Brooklyn-Queens Expressway exit ramp.

Napugutan ng ulo si Samuel, nang nag-crash sa flatbed ng trailer ang kotse -- at tumabog sa backseat ang kanyang ulo.

Nagsisigaw ang girlfriend ni Samuel, na bumaba sa kotse bago siya naabutan ng mga pulis.

Ang driver ng trailer, na tiyak na nasindak sa mga nangyari, ay bumaba mula sa sasakyan at napaupo sa kalsada.

Naidala sa ospital ang girlfriend ni Samuel, na nasa stable condition na ngayon.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended