Venezuelan beauty queen Genesis Carmona, namatay sa riot sa Valencia!
  • 9 years ago
Venezuelan beauty queen Genesis Carmona, namatay sa riot sa Valencia!



Ang 22-year-old na beauty queen na si Genesis Carmona, ay namatay sa bayolenteng riot sa Venezuela. Siya ay nabaril sa ulo noong Martes.

Ang aktibista at estudyante ay naikarga paalis sa eksena ng isang motorsiklo, at siya ay namatay sa ospital.

Si Carmona ay napro-protesta sa siudad ng Valencia, na may 60 miles mula sa capital city na Caracas.

Ang estudyante ng Universidad Tecnologica del Centro de Valencia ay itinanghal na Miss Turismo noong isang taon. Isang semestro na lang, at siya ay magtatapos na sana sa kanyang pag-aaral.

Ang kanyang pagamatay ay ika-lima sa lahat, simula nang mag-umpisa ang mga anti-government demonstrations sa Venezuela, tatlong linggo nang nakalipas.

Pino-protesta ng mga tao ang socialist regime na pinangungunahan ng president nila na si Nicolas Maduro.

Ang riot sa Valencia ay parte ng isang rally na sumusuporta sa nakakulong na leader ng oposisyon na si Leopoldo Lopez, na isang Harvard-educated na ekonomista, na sumurrender sa mga awtoridad noong Martes.

Si Carmona ay ang pangalawang beauty queen na namatay sa Venezuela itong taon. Noong isang buwan, ang Miss Venezuela 2004 na si Monica Spear ay namatay kasama ang kanyang asawa, sa isang highway robbery.




For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended