Killer ng lalaking napugutan ng ulo sa Hollywood, maaring makulong ng 25 years!

  • 9 years ago
Killer ng lalaking napugutan ng ulo sa Hollywood, maaring makulong ng 25 years!


Naaresto sa LA si Gabriel Campos-Martinez, para sa murder ng kanyang live-in boyfriend. Dalawang taon nang nakalipas, nang natagpuan ang iba't ibang parte ng katawan ng biktima, na nakakalat malapit sa Hollywood sign.

Dalawang babaeng naglalakad kasama ang kanilang mga aso, sa LA Griffith Park, noong 2012, ang nakadiskubre sa isang plastic bag na naglalaman ng ulo ng nawawalang si Coronado Medellin.

Anim na buwan bago siya nawala, ang 66-year-old na si Medellin ay lumipat sa isang apartment kasama si Campos-Martinez.

Naniniwala ang mga awtoridad na si Medellin ay napatay sa pamamagitan ng pananakal noong Disyembre.

Nagsimula ng bagong buhay si Campos-Martinez, matapos mamatay ang kanyang boyfriend -- lumipat siya sa San Antonio, Texas, noong 2012, at nagkaroon ng asawang babae.

Dalawang araw na hinalukay ng pulis ang park kung saan natagpuan ang ulo ng biktima, at doon nila nahanap ang iba pang parte ng katawan -- gaya ng kamay at paa.

Maaring makulong nang dalawampu't limang taon ang suspect.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended