Turista, nakasira ng 19th century na istatwa, habang kumukuha ng selfie sa Italy!

  • 9 years ago
Turista, nakasira ng 19th century na istatwa, habang kumukuha ng selfie sa Italy!



Paanong nasira ng isang selfie ang isang work of art?

Ang selfies ay isa sa pinakamalaking parte ng buhay ng mga taong lumaki sa henerasyong ito.

Salamat kay Pope Francis at President Obama, ang selfies ay gawain din ng mga Kennedys...joke lang yung huli ah!

Pero itong nakaraang linggo, isang mokong ang pinasok ang Academy of Fine Arts sa Italy, at inakyat ang Barberini Faun para kumuha ng selfie...

Pero ang nakuha niya, ay ang kaliwang paa ng istatwa!

Ang istatwa ay tinawag na Drunken Satyr -- iskultura ng isang kalahating tao, at kalahating kambing...na...lasing.

Ang orihinal na iskultura ay ginawa noong 2nd or 3rd century BC...

Buti na lang at nasa Germany ito! Ang ng nasirang istatwa ay kopya lang na ginawa noong 19th century.

Nadiskubre ng staff sa academy ang nasirang istatwa noong Martes ng umaga, at kasalukuyang inire-review ang mga security cameras, dahil baka makita nila ang selfie ng loko-lokong estudyante.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended