Notre Dame student, nanira, kumain at natulog sa isang massage parlor sa Indiana!

  • 9 years ago
Lasing na Notre Dame student, nanira, nanggulo, kumain at natulog sa isang massage parlor sa Indiana!



Estudyante, pinasok ang isang shop -- kumain ng hot pockets, at nawalan ng malay!

Isang estudyante ng Notre Dame ang naaresto sa Indiana noong isang linggo, matapos niyang pasukin ang isang massage parlor.

Si Brian McCurren ay ilang beses diumanong nagsubok na pasukin ang massage parlor, Sabado ng gabi hanggang Linggo ng madaling araw, at nakapasok lang siya nang ginamit niya ang isang 100-pound na flower pot para sirain ang pintuan.

Pagkapasok sa porch area, nakahanap siya ng martilyo, at hinukay niya ang drywall para makapasok siya sa building --- imbes na basagin ang ointuan na gawa sa salamin.

Pagkatapos, ay nag-spray ng fire extinguisher foam ang 19-year-old kung saan-saan, at nanira ng mga bagay-bagay sa main building.

Nagpunta siya sa kusina sa second floor, nag-microwave ng mga Hot Pockets at nag-init ng mac and cheese sa oven; kumain siya ng ice cream, at pagkatapos ay nawalan siya ng malay.

Pagdating ng pulis sa massage parlor kinabukasan, nakahiga pa rin sa sahig ang estudyante, walang malay, at nasunog nang tuluyan ang mac and cheese sa loob ng oven.

Si McCurren ay nakasuhan ng burglary, vandalism, at undersage drinking.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended