Pulis sa St. Louis, binugbog ang isang mentally ill na lalaki!

  • 9 years ago
Pulis sa St. Louis, binugbog ang isang mentally ill na lalaki!



Resisting arrest, o police brutality? Kayo na ang bahalang humusga.

Ang lalaki sa video ay si Mario Crump.

Rumispondi ang St Louis police officers sa isang 911 call, na itinawag ng pamilya ni Mario.

Kakaiba daw ang pagkilos ni Mario, at gusto nilang paalisin ito. Si Mario ay na-diagnose ng schizophrenia ay bipolar disorder.

Siya rin ay naaresto na ng mahigit dalawampung beses -- at ilang beses na rin siyang nakasuhan ng assault.

Ayon sa isang interview, sinabi ng Police Chief na si Sam Dotson, na pag tumawag ka sa 911, 11:30 ng gabi, hindi sila magpapadala ng psychologists.

Ang insidente ay umabot ng labinlima hanggang dalawampung minuto, at kinunan ito ng video ng pamilya ni Mario. Maririnig silang nagmamakaawa kay Mario sa video na sundan ang utos ng pulis.

Sa wakas, ay na-handcuff na rin ng pulis si Mario, at hindi na sila nanakit.

Si Mario ay nakasuhan ng resisting arrest, at assault on a police officer.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended