British model at socialite Peaches Geldof, biglaang namatay sa edad na 25

  • 9 years ago
British model at socialite Peaches Geldof, biglaang namatay sa edad na 25.

Ang British fashion icon na si Peaches Honeyblossom Geldof ay namatay sa kanyang bahay noong Lunes, sa edad na 25.

Ang model at TV presenter ay ang pangalawang anak na babae ng music legend at philanthropist na si Bob Geldof, at ang yumaong si Paula Yates.

Si Bob ay ang lead singer ng 70s Irish rock band na Boomtown Rats. Siya ay kilala rin sa pag-organize ng mga charity super concerts, gaya ng Live Aid, paramakatulong sa famine sa Ethiopia, noong 1985.

Bata pa lang, ay nagpakita na si Peaches ng talento para sa fashion at sa pagsulat. Nagsulat siya ng isang socio-political column para sa Daily Telegraph, at fashion column para sa Elle Girl, hanggang sa nagsara ang magazine noong 2005.

Regular siyang nakikita sa mga fashion shows at movie premieres, at nabilang sa FHM's 100 sexiest women noong 2007.

Dalawang beses na ikinasal si Peaches, isa sa Vegas bago pa siya mag-20, at isa pa sa musician na si Thomas Cohen, ama ng dalawa nilang anak na lalaki. Kinasal sila sa chapel kung saan rin ginagap ang kasal at libing ng kanyang ina.

Si Peaches ay matagal na diumanong nalulong sa droga.

Sa dokumentaryang, "Teenage Mind," na kanyang sinulat at pinagbidahan, pinag-usapan niya ang issue ng droga.

Siya rin ay natanggal bilang spokesperson ng lingerie brand na Ultimo, noong 2010, nang magkalat ang kanyang mga hubad na litrato, at balita ng kanyang paggamit ng droga.

Ang kanyang pinakahuling tweet bago siya namatay ay isa niyang litrato noong siya ay bata pa, kasama ang kanyang ina, nan a-drug overdose noong si Peaches ay 11 years old.

Sa isang nakakalungkot na statement, sinabi ng ama ni Peaches na si bob, na ang kanyang anak at, "the wildest, funniest, cleverest, wittiest and the most bonkers of all of us."

May she rest in peace.




For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH