Shocking photos: Australiano, nagkaroon ng butas sa ulo dahil sa black salve!

  • 9 years ago
Shocking photos: Australiano, nagkaroon ng butas sa ulo dahil sa black salve!


Itim na ointment, nagbigay ng butas na may 1-inch ang laki, sa ulo ng isang Australian na lalaki.

Maraming iba't ibang klase ng 'alternative medicine,' pero ang black salve ointment...mag-ingat po kung ayaw niyong magkaroon ng butas sa inyong ulo.

Isang 55-year-old na Australiano ang nagpunta sa ospital sa Brisbane, matapos gumamit ng alternative medicine para gamutin ang kanyang skin cancer.

Ang ointment ay gawa sa bloodroot, na may sanguinarine, at kadalasan ay hinahalo sa zinc chloride, sa paggawa ng isang mabango, pero nakaka-agnas na ointment.

Ito ay madalas na gamitin sa paggamot ng mga nunal, mga peklat, at skin cancer. Pero nakakasira ng skin tissue ang ointment, at nakakaiwan ng itim na peklat, na nagbabalat pagkatapos.

Ang lalaki ay apat na buwan nang ginagamit diumano ang ointment.

Nang naghanap na siya ng regular na medical care, gumagamit na rin siya ng matapang na analgesic para mapahina ang sakit na nararamdaman niya.

Hmm. Mas mainam talaga siguro na kumuha ng professional medical care BAGO pa maging butas ang isang itim na peklat sa iyong ulo.

Ang Black salve ointment ay isang popular na panggamot sa mga skin lesions, mula pa noong isang siglo; pero ito rin ay nailista bilang 100 percent na bogus treatment para sa cancer, ng US FDA, at mula 2012 ay hindi na rin tanggap na cancer treatment sa Australia.

Noong una, inakala ng mga doktor sa Princess Alexandra Emergency Department na ang lalaki ay mangangailangan ng operasyon, pero pinauwi nila ito, dala ang self-treatment at wound management strategy. Gumaling din ang sugat, makalipas ang tatlong buwan.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended