Conjoined twins sa India, namatay, tatlong linggo matapos silang ipanganak
  • 9 years ago
Conjoined twins sa India, namatay, tatlong linggo matapos silang ipanganak.

Ang conjoined twins na ipinanganak nang may dalawang ulo at iisang katawan, ay nabuhay nang tatlong linggo.

Ang kambal na babae, na may napaka-bihirang kondisyon, ay namatay -- tatlong linggo matapos silang maipanganak sa siudad ng Sonipat, sa labas ng New Delhi, India. Kahit na naghati sila sa iisang katawan, at iisang set ng mga internal organs, ay nagawa nilang mabuhay nang dalawampung araw.

Dahil wala silang pambayad sa ultrasound, ang mag-asawang Subash at Urmila Sharma ay hindi nalaman nang maaga na may kakaibang kondisyon ang kanilang mga anak.

Ipinanganak ang kambal nang may dalawang leeg, at dalawang spine, na malinaw na makikita sa x-ray na ito.

May kanya-kanyang trachea ang kambal, pero naghati sila sa iisang baga para huminga - dahilan kung bakit hindi sila mahiwalay.

Dahil sa malaking panganib para sa kambal at sa kanilang ina, ipinanganak ang mga baby via c-section, noong March 13.

Makalipas ang dalawang araw, na-transfer sa neonatal intensive care unit sa isang research hospital sa Delhi ang mga baby.

Sa sobrang lungkot ng kanilang ina, hindi niya nakayanang makita nang personal ang kanyang mga anak -- kaya kumuha na lang siya ng litrato.

Nanatili ang kambal sa ICU hanggang sa April 2, nang sumuko na ang kanilang puso, na ayon sa kanilang doktor ay hindi na nakayanang buhayin ang magkapatid.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended