Miley Cyrus, napilitang i-cancel ang concert dahil sa 'allergic reaction' sa antibiotics!
  • 9 years ago
Miley Cyrus, napilitang i-cancel ang concert dahil sa 'allergic reaction' sa antibiotics!



Miley Cyrus, kinancel ang concert dahil sa isang 'allergic reaction.'

Ang heath issues ng pop star na si Miley Cyrus ay naging headline itong linggo.

Napilitan si Miley na i-cancel ang kanyang concert sa Kansas City, Martes ng gabi.

Ayon sa TMZ, nasa loob nan g Kansas Sprint Center si Miley, nang biglang sumama ang kanyang pakiramdam.

Ayon sa isang press release, si Miley ay nagkaroon ng seryosong allergy reaction sa mga antibiotics, at itinweet niya ang litratong ito mula sa kanyang kama sa ospital.

Isang buwan nang nagkaroon ng problema sa kanyang kalusugan si Miley, na nai-cancel din ang kanyang show noong April 7, sa Charlotte, kalahating oras bago ito dapat na magsimula.

Noong isang buwan din ay namatay ang husky ni Miley na si Floyd, na pinatay diumano ng isang coyote habang si Miley ay nagtu-tour. Dahil dito, ay nag-cancel din siya ng isa pang concert.

Bagamat napapaligiran ng kontrobersiya ang kanyang Bangerz Tour, salamat sa pagiging over-sexy at paggamit ng droga ng singer, at mga na-cancel na show -- solid pa rin ang ticket sales nito. Get well soon Miley!



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended