Toronto Mayor Rob Ford, magpapa-rehab matapos lumabas ang bagong crack video!

  • 9 years ago
Toronto Mayor Rob Ford, magpapa-rehab matapos lumabas ang bagong crack video!


Toronto Mayor Rob Ford, isa pa ring crack addict!

Maraming nakakaalala ng unang Rob Ford crack video. Kahit na hindi natin ito napanood, nakakuha pa rin tayo ng confession:

Maniniwala ba kayo na napakatanga niya, para magkaroon ng round two?!

Well, yeah.

Pinaglawayan ng mga reporters mula sa The Globe and Mail, at Gawker, ang pagkakataong makakuha ng kopya ng Rober Ford crack video, part two.

Ayon sa drug dealer na si Jermaine, nagpunta siya sa bahay ng kapatid ni Ford, at binentahan si Ford ng crack.

Ang video na kinunan sa basement ay pinapakita diumano si Ford, ang kanyang kamag-anak na si Alessandro Lisi, at ang dealer na si Jermain.

Si Lisi ay naaresto na noon para sa cocaine possession.

Si Jermaine naman ay humihingi ng at least SIX figures para sa pagbili ng rights sa video.

Wala pang bumubili ng video sa ngayon, pero nakatanggap ng mga litrato ang mga reporters, na nai-post sa Internet noong Miyerkules.

Ayon sa mga reporters na nakapanood sa video, si Ford daw ay humithit mula sa isang pipa, nag-exhale ng usok, at mabilis na pinagkakaway ang kanyang kanang kamay.

Nang nakita ng dating asawa ng kapatid ng mayor na si Kathy Ford ang mga imahe, nakilala niya ang pipa at sinabing ito ang crack pipes na ginamit din ni Kathy. Sabi ng ex-husband na si Scott McIntyre, mahilig si Kathy sa mga "brass elbows."

Nag-release ng statement si Rob Ford, at sinabing magpapahinga muna siya mula sa pangangampanya, at pagiging mayor, at magfo-focus sa kanyang mga personal issues.

At bilang pampadagdag sa kanyang mga problema, nakakuha ng audio ang Toronto Sun, kung saan lasing na nagsasabi ng kung anu-ano si Ford, na pinag-usapan ang kanyang kalaban sa mayoral race, na si Karen Stinz.

Tama na, Rob Ford, tama na.

You're done.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended