Michael Sam, bibigyan ng sarili niyang reality show, sa Oprah Network!

  • 9 years ago
Michael Sam, binigyan ng reality show sa Oprah Network!

Bilang kauna-unahang openly gay player na napasok sa NFL, ang bawat pagkilos ni Michael Sam ay tiyak na maaakit ang atensiyon ng mga tao. Kaya nagdesisyon si Oprah na bigyan si Sam ng sarili niyang reality show.

Ang pagsubok ni Michael Sam, na makakuha ng puwesto sa team roster ng St. Louis Rams, sa susunod na taon, ay kukunan ni Oprah at ng kanyang mga camera crews.

Ayon kay Sam, determinado siyang maging miyembro ng team, pero mukhang mahihirapan siya dahil sapat na ang team members ng Rams, pagdating sa posisyon ni Sam na defensive end.

Isa ring tanong kung gaano karaming access ang ibibigay ng NFL sa mga camera crews ni Oprah. At ang pinakamalaking problema ni Sam sa ngayon, ay karamihan ng mga reality shows ay hindi nakakatuwa...sana ay maiba yung sa kanya. Good luck!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended