British na babae, ini-live-tweet ang pagkapanganak niya sa kanyang baby girl!
  • 9 years ago
British na babae, na-live tweet ang pagpapanganak niya sa kanyang anak na babae!

Tuwang-tuwa ngayon si Lyndsey Thomas, na nag-pose kasama ang kanyang newborn na si Ferne.

Pero balikan natin ang mga pangyayari, tatlong linggo bago siya nanganak...

Ang 34-year-old na dating marketer ay na-ospital noong May 16, para sa induced labor, dahil sampung araw na siyang overdue.

At dahil mahaba-haba ang oras ng paghintay bago siya makapagpanganak, naisipan niyang i-tweet ang buong proseso.

Nag-post siya ng halos limampung update sa kanyang Twitter account, sa loob ng halos labindalawang oras. At nai-welcome ng buong mundo si Baby Ferne pagkatapos.

Salamat sa social media, ay parang wala nang gumagamit ng mga baby book!

Patuloy sa pag-share si Lyndsey tungkol sa kanyang mga adventures bilang isang bagong ina, sa Twitter. Kayo na ang bahala kung gusto niyong mabasa ang mga ito.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended