Matandang babae, ginamit ang back scratcher para mapaalis ang isang home intruder!

  • 9 years ago
Matandang babae na naka-oxygen tank, ginamit ang pangkamot ng likod para matakot paalis ang isang intruder!

Si Patty Kearney at ang kanyang asawang si Donald ay nanonood ng TV isang gabi, nang narinig nila ang malakas na ingay sa likod ng kanilang bahay.

Isang lalaking nakasuot ng kulay berde na sweatshirt at hockey mask, na may dalang wrench at duct tape ang pumasok sa kanilang bahay. Kinumpornta niya ang matandang mag-asawa at tinanong kung sila ba ay may baril sa bahay.

Si Patty, na may edad na, ay may lung cancer at pulmonary condition, pero nagawa niyang labanan ang intruder na ito.

Nang inamin ng intruder na wala siyang dalang armas, kinuha ni Patty ang kanyang back scratcher na gawa sa kahoy, at pinaghahampas ang lalake.

Nabitawan ng lalake ang kanyang wrench, kaya pinulot ito ni Patty ay pinagpatuloy ang pag-asulto niya sa intruder -- na tumakas paalis sa bahay.

Sabi ni Patty, hindi inaasahan ng intruder na magagawa ng isang overweight na babae, nan aka-oxygen tank, ang atakihin ito. Good for you, Patty!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended