Ex-Hells Angels biker, nakagat at naputol ang ilong ng isang lalake sa Australia!
  • 9 years ago
Dating Hells Angels biker, nakagat at naputol ang parte ng ikanyang ilong, ng isang lalaking galing sa Australia!

Ang lalaking ito ay si Peter Zervas, isang dating Hells Angels biker sa Australia. At nakagat at naputol ng isang lalake ang kanyang ilong!

Ayon sa pulis, isang 28-year-old na lalake ang umasulto kay Zervas sa labas ng kanyang apartment building sa Leichhardt. Kinuha nito ang ilong ni Zervas at ginamit ang kanyang ngipin para kagatin ito.

Tumakas ang attacker pagkatapos.
Pinulot ni Zervas ang sarili niyang ilong, at nagpunta siya sa ospital, kung saan nangailangan siya ng operasyon para makabit muli ang ilong sa kanyang mukha.

Ang attacker ni Zervas ay naaresto ng pulis malapit sa Hurlstone Park noong isang linggo. Pero ang nasabi lang ng mga pulis, ay ang insidenteng ito ay "bizarre at severe." Translation, wala silang alam sa kung bakit kinagat at pinutol ng lalake ang ilong ng biktima.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended