SHOCKING VIDEO: Mexican World Cup fan, nahulog mula sa cruise ship!

  • 9 years ago
Shocking footage: isang World Cup fan mula sa Mexico, tumalon mula sa isang cruise ship!

Ini-release ng mga awtoridad sa Brazil ang footage ng isang lalaking nahulog mula sa isang cruise ship na may sakay na tatlong libo't limang daang fans ng Mexican team, na nanood ng laro ng Mexico vs, Brazil.

Ang lalake na si Jorge Lopez Amores, ay nagpa-party sa 15th floor deck ng MSC Divina cruise ship, na nanggaling sa Fortaleza, Brazil, noong Miyerkules.

Ayon sa mga saksi, lasing at tuwang-tuwa si Amores dahil nanalo ang Mexican team. Sinabi daw niya na sa sobrang saya niya, ay maari siyang lumipad! Sumigaw daw siya ng, "Look at me! Bago siya tumalon mula sa barko...at mahulog nang 50 meters papunta sa dagat.

Bago siya nawala, nag-post si Amores ng video ng kanyang sarili, na tumalon sa isang Jacuzzi sa deck ng cruise ship, na na-caption pa niya ng, 'man on the water.'

Napanalunan diumano ni Amore sang package papunta sa World Cup, na kasama ang cruise...at may kausap daw siyang magandang babaeng reporter, nang siya ay tumalon.

Hinahanap ngayon ng Brazilian Navy ang 28-year-old na lalake...pero Malabo na raw na matagpuan itong buhay.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended