School, dinidiin na aksidente lang ang nangyari sa batang ito!

  • 9 years ago
Help AvaLynn: http://www.gofundme.com/doid6w

Kindergarten, sinasabing ang nakakasindak na injuries ng isang maliit na batang babae ay aksidente lamang!

Ang Arlington Elementary na yata ang aming top pick para sa worst school sa Amerika. Bakit?

Dahil nang humingi ng paliwanag si Lacey Harris para sa kanyang anak na si AvaLynn, na umuwing ganito ang itsura, sinabi ng school – na nasa Pascagoula, Mississippi – na ito raw ay playground accident lang!

Napilitang maghanap ng hustisya sa Internet si Harris. At huwag kayong mag-alala, dahil tinutulungan ng Internet ang mag-ina.

Ayon sa Pascagoula school district, walang bayolenteng pangyayari ang nag-resulta sa mga injuries ni AvaLynn.

Sinisi pa ng mga representatives ng district si AvaLynn, at sinabing nahulog lang ang bata…

Ah, kaya pala nagkaroon siya ng dalawnag black eye, madugong ilong, at namaga ang buo niyang mukha!

Ayon kay Harris, inasulto ng isa pang estudyante ang kanyang anak.

Habang nasa slide sa playground ng school, so AvaLynn ay paulit-ulit na sinipa sa mukha diumano ng isa pang bata, at nahulog mula sa slide si AvaLynn.

Si Harris ay dinidiin ang pangangailangan ng isang police investigation, at nagtungo siya sa GoFundMe para makakuha ng donasyon para sa treatment ni AvaLynn. Kung gusto niyong magbigay ng tulong, puntahan po ang link sa description.

Aling bersiyon ng mga pangyayari ang mas kapani-paniwala sa inyo? Mag-iwan ng opinyon sa comments.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended